A life's testimony ^_^
Ito ay base sa karanasan ng isang buhay kabataan na lumaki sa isang paniniwalang turo, nasira ang buhay at naniwalang kapag namatay ay walang pagsisihan dahil madadaan na man daw sa madibdibang dasalan. Ginawa ko ito upang kayo maliwanag at wag tuluyan kayo'y mabulagan mula sa mga taong dakilang bulaan. Mag ingat po kayo...
Di ko sinasabi na ibahin ang inyong relihiyon ang sa akin lang sa Diyos ay magkaroon ng malalim na relasyon. Salamat.
I.
Langit, impyerno at porgatoryo
Paniwalang minana pa sa magulang ko.
Pinanghawakan at umasaang ito'y totoo
Kaya ang pag-iisip tila nakakandado.
II.
Ang taong mabuti, aba! sa langit ang tungo
Kung maitim ang budhi, tiyak sa impyerno ang diretso.
May isa daw paraan para impyerno'y maiwasan
Santong dasalan? Ito kaya ay may kahahantungan?
III.
Sa yaman ng mundo, ako'y nagpakasasa
Alak, sigarilyo oras dito ko inaksaya
Pumasok sa relasyon kahit isip ko'y bata pa
Tumalikod sa magulang at sa barkada nagpaka-abala.
IV.
Dumating sa punto, kabiguan sa akin nagpunta
Nasaktan ng todo at halata ako'y hindi naging handa
Hinanap ang barkada pero lahat sila bigla din nawala
Sa aking magulang di makalapit, dala na din ng hiya.
V.
Hanggang sa isang araw, si pag-asa biglang lumitaw
Isang kabataan na sa atensyon ko'y pumukaw
May ipinapakilala, isang tagapagligtas daw?
Ang ngalan ay Hesus na matagal na daw sa aki'y humihiyaw.
VI.
Sa una di ko talaga maunawaan
Ang ipinagpipilitan niya'ng totoong kaligtasan
Kaya tinanong ko siya, "Ligtas para saan?"
Sumagot siya, "Sa impyerno ng kadaga't dagatan"
VII.
Ako'y napahalakhak sa sagot niya'ng iyon
Dahil ayon sa aking pinagmulang henerasyon:
"Gumawa man ako ng sandamukal na kasalanan,
at pagka daka'y dumating sa huling hantungan.
VIII.
Wala daw ako dapat ikabahala at katakutan
pagkat mga panalangin nila ang siya daw mamamagitan"
Pero maling mali pala, dahil ayon mismo sa BIBLIYA
Pag si Cristo'y di kinilala, tiyak si satanas ang iyong maka- kabarkada.
IX.
At kung ikaw ay nabubuhay ng di ayon sa KANYA
Tiyak sa pintuang langit ika'y di niya kilala
At kahit daang milyong panalangin pa ang iyong kasama
Ito'y balewala kung ikaw ay nabuhay ng hindi siya kinilala.
X.
Sa aking nalaman, ako'y biglang kinilabutan
Sa gitna ng kawalan, biglang natauhan
Ang paniniwalang kinalakihan
Ay isa pa lang malaking kalokohan.
XI.
Kaya ngayon ako'y nagpapasalamat
sapagkat pangalan ko ngayo'y nakasulat
doon sa tinatawag na buhay na aklat
kung saan ang humahawak ay ang lumalang ng lahat.
XII.
Maling paniniwala talikuran mo na,
Mabuhay sa mundo ng naaayon sa KANIYA
Dahil di lang ligaya ang tiyak na madarama
Kung ang pag ibig ng Diyos AMA ang iyong makakasama.
_____________________________________
Author's NOTE :
"Kung pakiramdam mo wala ng nagpapahalaga mula sa mga taong nakapaligid sayo, sinubukan mo na bang tumingala. Dahil sigurado ako alalang-alala na siya sayo ng sobra, miss ka na niya kausapin mo naman siya."
Pag mamay-ari ni yhinyhin
Para po sa kaalaman ng lahat si Hesus ang kinikilala kong tagapagligtas ko, di lang Ama kundi isa ding matalik na kaibigan.
JESUS REIGN MINISTRY BINANGONAN SATTELITE
JESUS REIGN MINISTRY CARDONA OUTREACH
GOD BLESS
Pa like and vote naman po just click the link below thanks. Lets share the truth about Salvation ^_^
No comments:
Post a Comment